^

PSN Palaro

Magandang pagtatapos ng Team MayniLA sa girls World Series

-
KALAMAZOO, Michi-gan -- Parang nag-con-duct ng pitching seminar si Cloiene Muyco nang gumawa ito ng two-hit, no-run game upang blangku-hin ng Team MayniLA ng Philippines ang Puerto Rico, 2-0, kamakalawa at makopo ang International Trophy ng 25th year celebration of the Big League (16-18) girls Softball World Series sa Vanderberg Park dito.

Ipinakita ng Bacolod City native kung bakit siya ang MVP at best pitcher awar-dee sa Asian Junior at UAAP softball wars nang pasiklaban nito ang mga Filipino-American expa-triates dito, mga kalaban at tournament organizers sa kanyang iba’t ibang bato mula, fastballs, sin-kers, curves at ang kan-yang paboritong risers sa pag-strike out ng16 sa 22 batters na nakaharap nito.

Sunud-sunod na sini-bak ng 18-anyos na Adamson U standout ang pitong Puerto Ricans na sumubok sa kanyang ka-kayahan sa third, fourth, fifth at sixth frames.

Bukod sa International top honors, nagtapos din bilang pang-lima ang MayniLA Golden Girls, sa Friendship plum na may 10-team field na kinabibi-langan ng limang US Little League Zones, at tig-isa sa Latin America, Canada at Europe-Middle East, Asia Pacific at isang koponang kumatawan ng host city.

Sa tatlong larong pagpi-pitch ni Muyco na naglalarong outfield ka-pag hindi ito nagpi-pitch, sinibak nito ang kabuuang 34 batters sa 26 at 1/3 innings kabilang ang 18 sa eventual finalist na West Virginia, isang Big League record, at 10 sa District 2.

Tinapos ng Team MayniLA ang kanilang kampanya na may apat na panalo kontra sa dala-wang talo.

ADAMSON U

ASIA PACIFIC

ASIAN JUNIOR

BACOLOD CITY

BIG LEAGUE

CLOIENE MUYCO

EUROPE-MIDDLE EAST

GOLDEN GIRLS

INTERNATIONAL TROPHY

LATIN AMERICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with