^

PSN Palaro

Thomson nag-volunteer sa SEA Games

-
Ang dating Olympian at swimming sensation na si Akiko Thomson ay nagbigay ng kanyang suporta sa paghahanda ng bansa para sa 23rd Southeast Asian Games.

Hinimok ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) na tumulong kay National Youth Commission exe-cutive director at chief operating officer Dino Badilla na responsable sa paghahanap ng mga stu-dent volunteers na mag-tratrabaho para Nov. 27 hanggang Dec. 5 meet.

Si Thomson, gold me-dal winner nang huling ganapin ang SEA Games dito sa Manila, 14 taon na ang nakakaraan, ay nag-volunteer sa Athens Olym-pics noong nakaraang taon.

"Having been there and done that, I guess Akiko already knows the feeling working as a volunteer. She definitely is a big help for us," ani Badilla, ang chair ng volunteers committee ng PHILSOC.

Hindi pa batid ni Badilla kung ilang volunteers ang kakailanganin para sa 11-nation biennial event ngunit sinabi niyang maganda ang pagtanggap ng mga naka-usap na nitong mga eskuwelahan.

Tinatayang 16 colleges at universities sa National Capital Region (NCR), Bacolod at Cebu ang nabisita na ng komite ni Badilla at sa susunod na linggo ay 26-schools pa ang kanilang bibisitahin.

Ang sports apparel na Yonex, ang official outfitter ng Team Philippines, ang magbibigay ng uniporme ng mga volunteers kabilang ang jackets, caps at bags.

AKIKO THOMSON

ATHENS OLYM

BADILLA

DINO BADILLA

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL YOUTH COMMISSION

SI THOMSON

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with