^

PSN Palaro

San Beda nilagay sa alanganin ng Perpetual

-
Matapos ang Jose Rizal University, ang San Beda College naman ang magbabakasyon nang pagkaitan ng University of Perpetual Help-System Dalta ng anumang tsansa sa Final Four ang Red Lions matapos ang 66-60 tagumpay sa second round ng 81st NCAA men’s basketball tourna-ment kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Bagamat nanalo ang Altas, may 4-8 rekord ngayon kapareho ng St. Benilde Blazers na nanalo sa napatalsik nang Heavy Bombers, 70-58, sa inis-yal na laban, masisibak pa rin sila sa Final Four kung mananalo ang five-time champions San Sebastian Stags (6-5) sa isa sa kanilang huling tatlong asignatura para kunin ang No. 4 spot.

"Well, may tsansa pa kami pero hindi nga lang namin hawak dahil kapag nanalo ang San Sebas-tian ng isa out na kami," ani coach Bai Cristobal sa Perpetual, naglista ng 43-30 sa huling 1:36 ng third period bago nakadikit ang San Beda, may 3-9 marka kasama ang three-game losing skid, sa 57-61 mula sa 3-pointer ni Ed Tecson, 1:04 sa final canto.

Isang 8-3 run naman ang ginawa ng St. Be-nilde, tampok ang dala-wang basket at dalawang freethrows ni Jay Sagad, na nagpagpag sa Jose Rizal sa 68-54 sa huling 2:42 ng laro.

Samantala, isang one-game suspension naman ang ipinataw ng NCAA Management Committee (ManCom) kina Letran Squires mentor Jing Ruiz, San Sebastian center Raymond Aguilar at Hea-vy Bombers guard Arman Maniego mula sa kani-kanilang mga pagka-kasala.

Sa juniors action, pina-yukod naman ng Light Bombers ng Jose Rizal (4-6) ang Greenies ng La Salle-Greenhills (2-8) mula sa 68-58 pananaig. (Ulat ni RCadayona)

ARMAN MANIEGO

BAI CRISTOBAL

CUNETA ASTRODOME

ED TECSON

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JAY SAGAD

JING RUIZ

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with