^

PSN Palaro

1-taon dapat ang preparasyon sa pagho-host ng SEA Games

-
Isang taon ang kailangang panahon ng paghahanda ng isang bansa para sa Southeast Asian Games.

Ito ang opinion ni dating Philippine Olympic Committee (POC) president Celso Dayrit ng fencing association sa nangyayari sa preparasyon ng bansa para sa 23rd SEA Games na nakatakda sa Nov. 27 hanggang Dec. 5.

"Hindi mangyayari ‘yan sa akin," wika ni Dayrit sa nara-ranasang pagkagahol ngayon sa panahon ni POC chief Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. ng equestrian federation. "We should be ready a year before the SEA Games at hindi ‘yung ilang months lang saka tayo maghahanda."

Ayon kay Dayrit, maraming dahilan kung bakit atrsado na sa paghahanda ang Philippine SEA Games Organizing Com-mittee (PHILSOC).

"You have to consider many things, kaya tayo huli sa prepa-ration natin. Like our current economic condition, our politi-cal situation at ‘yung support ng gobyerno," sabi ni Dayrit, naging miyembro ng Manila SEA Games Organizing Com-mittee (MANSOC) nang gina-wa ang nasabing biennial meet sa bansa noong 1991.

Ang kakulangan sa pondo ang pangunahing nagpapasa-kit pa rin sa ulo ni Cojuangco sa PHILSOC kung saan kai-langan nila ng mula P800 mil-yon hanggang P1 bilyong panggastos.

At wala nang dapat pang sisihin, ayon kay Dayrit.

"Ganyan talaga. Nandiyan na ‘yan. Siguro ang tanging magagawa na lamang natin ay magtulungan," ani Dayrit. (Russell Cadayona)

AYON

CELSO DAYRIT

COJUANGCO

DAYRIT

GAMES ORGANIZING COM

GANYAN

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with