^

PSN Palaro

Pumaren brothers tagumpay

-
Parehong umiskor ng panalo ang magkapatid na Dindo at Franz Puma-ren nang inilampaso ng University of the East ni Dindo ang Adamson Uni-versity, 78-57, samanta-lang pinayukod naman ng nagdedepensang De La Salle University ni Franz ang University of Sto. Tomas, 98-72, para ma-mintine ang kani-kanilang posisyon sa second round ng 68th UAAP men’s basketball tourna-ment kahapon sa Blue Eagle Gym.

Humakot si Marcy Arellano ng 21 puntos, kasama ang 4-for-7 clip sa 3-point line, 3 re-bounds, 2 assists at 1 steal upang ihatid ang UE Red Warriors sa 7-2 rekord sa ilalim ng 7-1 baraha ng lider na FEU.

Naglista naman si Joseph Yeo ng 22 sa kanyang 28 produksyon sa first half para tulungan ang La Salle Green Ar-chers sa pagkubra ng 5-3 marka sa ilalim ng 5-2 grado ng pumapangat-long Ateneo Blue Eagles.

Naging sandata ng UE ang itinayong 18-point advantage sa kaagahan ng third quarter, 45-27, para ulitin ang kanilang 90-69 paggupo sa Adam-son, may 2-6 karta tam-pok ang five-game losing skid, sa first round.

Dinalawahan rin ng La Salle ang UST, nagdadala ng 2-7 rekord kasunod ang NU (0-7), mula sa ka-nilang 98-78 panalo sa first round at para sa kanilang ika-16 sunod na pagdomina sa 4-time champions mula noong 1999.

Sa juniors division, iginupo ng La Salle-Zobel ang UST Tiger Cubs, 62-42, habang tinalo ng AdU Baby Falcons ang UE Pages, 56-38. (RCadayona)

ADAMSON UNI

ATENEO BLUE EAGLES

BABY FALCONS

BLUE EAGLE GYM

DE LA SALLE UNIVERSITY

DINDO

FRANZ PUMA

JOSEPH YEO

LA SALLE

LA SALLE GREEN AR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with