^

PSN Palaro

Cardona Phone Pal na

- Ni Carmela V. Ochoa -
Tuluyan nang pinadala ng Air21 ang kanilang fifth overall draft pick na si Mark Cardona sa Talk N Text kapalit ni Patrick Fran nang sa wakas ay natuloy na rin ang one-on-one trade.

"Done deal na. Talagang si Patrick (Fran) and ni-request namin kasi talagang magagamit siya ng team," pahayag ni Express team manager Lito Alvarez.

Pinapirma muna ng Air21 ang La Salle hotshot na si Cardona ng P7.5 milyong kontrata noong Miyerkules na tatagal ng tatlong taon.

Naiselyo na sana ang one-on-one trade noong Miyerkules ngunit pa-bago-bago ng isip ang dalawang kopo-nan kaya kahapon lamang natuloy ito.

 Itutuloy ng Air21ang dalawang taong natitira sa kontrata ni Fran sa Talk N Text na ayon kay Alvarez ay mas malaki pa kaysa sa binigay nilang kontrata sa 23-gulang na si Cardona.

Ngunit dahil mas kailangan nila ng beteranong point guard, pinili ng Express ang eksperyensadong si Fran.

Nagsimula nang mag-ensayo si Fran na pitong taong naglaro sa Talk N Text, sa Express kahapon gayundin si Cardona.

Matapos iselyo ang naturang trade, tuloy pa rin ang pakikipag-negosasyon ng Air21 sa Talk N Text para makakuha ng lehitimong sentro.

Pinag-uusapan ng Express at Phone Pals kung paano makukuha ng Talk N Text ang top draft pick na si Anthony Washington. Ayon sa isang impormante, interesado ang Air21 na ibigay si Washington sa Phone Pals kapalit ni Yancy de Ocampo.

Hinihintay din ng Air21 ang sagot ng Alaska sa kanilang alok na Mark Pingris at Wesley Gonzales kapalit ni Don Allado. Inalok din ng Express ang kanilang sixth pick na si Niño Ca-ñeleta ng three-year contract na nagkaka-halaga ng P5 milyon bukod pa sa bonuses.

ANTHONY WASHINGTON

DON ALLADO

FRAN

LA SALLE

LITO ALVAREZ

MARK CARDONA

MARK PINGRIS

MIYERKULES

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with