Mga inaalala sa SEA Games
August 18, 2005 | 12:00am
Napakaganda ng sinabi ni Philippine Olympic Committee president Peping Cojuangco noong isang araw, sa pagbabasbas na ginawa sa PHILSOC media center sa Philippine International Convention Center. Sinabi niya na lumalabas ang galing ng Pilipino pag kinakapos na sa oras. Diyan natin nakikita ang ating husay.
Maaliwalas ang media center na pagkukumpulan ng ilang libong mamamahayag sa kabuuan ng Southeast Asian Games. Subalit hindi pa natin makikita ang buong lakas nito, dahil wala pa ang mga kagamitan na kinakailangan, tulad ng mga computer, fax machine, photocopier at iba pa.
"Kailangan, palaging may back-up," sabi ni Joey Romasanta ng POC. "Kahit mga fax machine, telepono at radyo rin, mayroon tayo, para hindi maputol ang trabaho ng mga media."
Nagugunita ng inyong lingkod ang unang araw ng 1991 SEA Games na ginawa dito sa Pilipinas. Bumagsak ang computer system, at maraming mamamahayag ang nabitin ang pag-uulat ng mga resulta't bagong rekord, at maging sa pananaliksik ng kasaysayan ng SEA Games. Nawa'y hindi na ito maulit.
Isa pang magiging problema ay ang kalalagyan ng IBC o International Broadcast Center. Suliranin ito ng NBN 4 kung saan iluluklok ang libu-libong mga brodkaster, technician at daan-daang mga video recorder na dadalhin nila rito. Bilang host broadcaster, kailangang bigyan ang mga himpilan ng telebisyon at radyo ng ibang bansa ng kani-kanilang studio, kung saan nila ikakabit ang lahat ng kanilang kagamitan upang makuha ang lahat ng laro na kanilang ninanais. Liban dito, may maliliit na puwesto rin para sa kani-kanilang mga announcer.
Saan mangyayari ang lahat ng ito? Dadalawa lamang ang studio ng NBN, kaya't malabong doon gawin, dahil malayo rin sila sa lahat ng pagdarausan ng mga laro. Kailangan ng isang malaking lugar na malapit-lapit man lamang sa Rizal Memorial. At paano na ang mga ibang venue, tulad ng Laguna, Cebu, Bacolod, Clark, Subic at iba pa? Saan kukuha ng kagamitan.
Doble-doble na ngayon ang ating hamon, dahil hindi lamang paglalaro, pagkain, seguridad, at kung anu-ano pa, kundi pati imahe ng Pilipinas ang ating aalalahanin. Ano ang larawan ng ating bansa na ipapakita natin sa mundo? Bawat lugar ay naghahanda, at ang media center at IBC ang magsisilbing balot panregalo na magpa-patakam sa mga nais bumisita sa ating bansa.
Diyan daw papasok muli ang diskarteng Pinoy.
Abangan bukas ang ikalawang edisyon ng Sports Xpress, ganap na alas-8:00 ng gabi sa IBC-13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended