^

PSN Palaro

Sports equipments na lang ang kulang sa SEAG hosting

-
Ang mga imported na sports equipment na lamang ang sinasabing problema ng mga National Sports Associa-tions (NSAs) para sa darating na 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Ayon kay Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Go Teng Kok, kulang pa rin ang mga equipment na gagamitin para sa SEA Games hosting.

"So far so good naman ang preparation namin for the 2005 SEA Games, ‘yung equipment na lang ang problema kasi as host dapat alam na nating gamitin ang mga ‘yan," wika kahapon ni Go.

Ang naturang suliranin ni Go ay inaasahang isa lamang sa mga bagay na tatalakayin ng Philippine Olympic Commit-tee (POC) para sa itinakdang special General Assembly ngayong hapon sa Milky Way Restaurant sa Makati City.

Bukod sa equipment, ang gagamiting venue rin ang pag-uusapan sa pulong.

"Ang concern talaga namin with the Ninoy Aquino Stadium is that we are only good for six tables para sa competition namin," sabi naman ni Table Tennis Association of the Phi-lippines (TATAP) head Victor Valbuena. "Pero kung hindi gagamitin ng gymnastics, okay na sa amin ‘yon."

Posible ring hingan ni POC president Jose ‘Peping’ Co-juangco, Jr. ng prediksyon ang bawat NSA para sa 2005 SEA Games.

Nangako si Go na 15 mula sa kabuuang 45 gintong me-dalya ang kayang ibigay ng kanyang mga atleta sa track and field, samantalang lima sa walo naman ang maisusulong ng kanyang tropa sa chess. (Ulat ni Russelll Cadayona)

GENERAL ASSEMBLY

GO TENG KOK

MAKATI CITY

MILKY WAY RESTAURANT

NATIONAL SPORTS ASSOCIA

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

PHILIPPINE OLYMPIC COMMIT

RUSSELLL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with