^

PSN Palaro

FEU sinilat ang UP sa men's volleyball

-
Hindi nakuha ng University of the Philippines ang inaasam na sweep sa men’s volleyball sa unang round matapos yu-mukod sa kanilang finals tor-mentor noong nakaraang taon na Far Eastern University, 27-25, 26-28, 18-25, 25-16, 16-14.

Sa kabiguang ito ng Maroons, bumagsak sila sa ikat-long posisyon dahil sa kani-lang pinakamababang qou-tient.

Ang University of Santo Tomas na nanalo sa De La Salle, 25-17, 25-13, 25-18, ay tumabla sa FEU Tamaraws at UP Maroons na may 6-1 kartada ngunit ang Tigers ang kumopo ng No. 1 spot dahil sa kanilang pinakamataas na qoutient na 4.75 laban sa 1.190 ng Tamaraws at 1.126 ng State U na binase sa sets won at sets lost quotient.

Nasa ikaapat na puwesto ang Adamson na may 4-3 kar-tada matapos igupo ang Uni-versity of the East, 25-17, 22-25, 25-22, 25-10, habang natik-man ng National University ang unang panalo matapos gulan-tangin ang Ateneo, 28-26, 25-20, 25-22.

Namayagpag naman ang Lady Falcons sa women’s vol-leyball sa UP gym, nang kani-lang iposte ang ikaanim na pa-nalo laban sa Lady Maroons‚ 26-24, 25-19, 28-30, 25-11.

Naging magaan naman ang panalo ng reining women’s titlists La Salle sa UST Tigres-ses at dahil dito ay nakuha nila ang No. 2 spot sa women’s vol-leyball dahil sa superior qou-tient laban sa Adamson Univer-sity na katabla nila sa 6-1.

Dinurog ng Lady Archers ang mahinang Tigresses sa loob lamang ng 54 minuto, 25-10, 25-20, 25-11.

ADAMSON UNIVER

ANG UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

DE LA SALLE

FAR EASTERN UNIVERSITY

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY FALCONS

LADY MAROONS

NATIONAL UNIVERSITY

STATE U

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with