Nabiktima ang Team Philippines sa krusyal na fielding error sa ikatlong inning sanhi ng kanilang pagyukod sa Singapore, 0-2 sa kanilang unang laban ngunit nalukuban ito ng kanilang tagumpay kontra sa Australia.
Naging biktima rin ng Japan ang Singapore, 7-1 para sa kanilang ikala-wang sunod na panalo na nagpatatag sa kanila sa liderato.
Hangad ng RP 9 na masilat ang Japan nga-yong alas-8:00 ng umaga para makapuwersa ng three-way tie na magbibi-gay sa kanila ng tsansa sa finals na nakatakda sa Lunes.
Ang top finishers ay may outright seat sa South Asia Championship sa October sa Singapore kung saan ang magtsa-champion ay makaka-sama naman sa World Series sa July sa susunod na taon sa Tokyo, Japan.
Isang wild return pass ni shortstop Michael Czar Zapanta kay catcher Luke Bernardo mula sa groun-der ni Yuya Shirakura ang nagbigay daan kina Taka-toshi Miyajima at Ryuji Hirooka na maka-iskor ng dalawang runs na siyang naging game-clincher sa laban para sa mga Singa-poreans.
"Maganda naman ang pinakita ng mga bata, nag-error lang kaya sa-yang talaga," ani RP team coach Lito Ordonez.
Nasa kontrol ang mga Pinoy sa la-ban na pinaigsi ng isang oras at kalahati da-hil sa ulan na dulot ng Bag-yong Huaning, ngunit hindi nila ito nasustinihan.