Kung sinu-sino ang labing walong mapapalad na ito ay malalaman nga-yon sa gaganaping PBA Annual Draft sa Sta. Lucia East Grand Mall sa alas-3:00 ng hapon.
Mababatid na rin ang malaking katanungan ng mga basketball afficiona-dos -- sino ang top draft pick ng Air21?
Sinasabing ang Fil-Am na si Anthony Wa-shington ang pipiliin ng Express, ang dating Fed-Ex na magdadala na nga-yon ng panibagong pa-ngalan ng kumpanya pa-ra sa 2005-2006 season.
Ang natural na order ng draft ay Air21, kasunod ang Sta. Lucia Realty, Coca-Cola, Purefoods, Red Bull, Alaska, Baran-gay Ginebra, San Miguel Beer at ang huli ay ang Talk N Text
Ngunit nakuha ng Express ang no. 5 at no. 6 pick ng Barakos at Aces ayon sa pagkakasunod sa first round kaya tatlong players ang kanilang makukuha sa unang ikutan.
Bukod kay Washing-ton, ilan sa siguradong makukuha sa draft na pinaigsi ng dalawang round lamang ay ang La Salle hotshot na si Mark Cardona at si Alex Ca-bagnot.
Ang iba pang promi-nenteng rookie hopefuls ay ang mga national players na sina Dennis Miranda at Jondan Salva-dor, Don Yabut ng Far Eastern University, dating NCAA Most Valuable Player Leo Najorda, high-flying Niño Canaleta, Ateneo stalwarts Larry Fonacier at Paolo Bugia, Santo Tomas players Emerson Oreta at Alwyn Espiritu, Froilan Baguion ng National University, Jerwin Gaco ng La Salle at Paolo Hubalde ng University of the East.
Mula sa 55 na nag-apply para sa draft, 49 na manlalaro na lamang ang natira matapos itong salain sa na-karaang dalawang araw na rookie camp sa ilalim ni coach Norman Black.
Ang mga players na di makukuha ay magiging un-restricted rookie free agents. (Ulat ni Carmela Ochoa)