Velasquez nangako ng magandang laban

Isang magandang laban ang ipinangako ni Hector Velasquez ng Mexico sa oras na sila ay magharap ni Manny Pacquiao sa September 10 sa Staples Center.

"Throughtout my career I’ve been known tocome out on the losing end of big fights," wika ni Velasquez na sa kau-na-unahang pagkaka-taon ay nakaharap si Pacquiao kahapon sa idinaos na press confe-rence sa Max’s of Manila sa Glendale, California.

"But that’s all going to change September 10... I hope all of you can come out to see this great fight," dagdag pa ni Velasquez.

Ngunit nagpahayag naman si Pacquiao ng kumpiyansa na kaya ni-yang talunin si Velas-quez na isang hard-hit-ting fighter na nanalo ng limang sunod na laban at taglay ang 9-1-1 re-cord sa kanyang huling 11 laban. (Ulat ni Emmanuel Villaruel-Freeman)

Show comments