^

PSN Palaro

2 Pinay boxers bumanat agad

-
KAOSHIUNG - Dalawang magigiting na Pinay boxers ang nagpamalas ng magandang panimula habang isa naman ang nasawi sa pagsisimula ng Asian Women’s Cham-pionship.

Ipinakita ni flyweight Annie Albania ang kan-yang tikas makaraang igupo si Meena Kumari ng India, 21-10.

Maaga pa lamang ay nanalasa na si Albania at kontrolin ang unang round sa 8-1 bentahe.

Matindi at solidong kombinasyon ang ibinigay ni Albania sa Indian na naging maingat sa open-sa hanggang sa tuluyang yumuko sa Pinay.

Inirehistro naman ni junior bantamweight Annalisa Cruz ang panalo kontra sa Thai na si Juaitip Chuaseng sa pamama-gitan ng countback maka-raang magtabla ang dala-wa sa 16-all iskor sa pag-tatapos ng laban.

Bagamat dinomina ng mas matangkad na Thai ang una at ikalawang round, gumawa ng kata-pangan na atake ang Pinay sa ikatlong round upang matabunan ang 5 point bentahe ng Thai sa panimula ng ikatlong round.

Hindi naman naging masuwerte si ligthfly-weight Jennifer Peking na yumuko sa mas matang-kad na Korean boxer na si Jong Hyang sa pama-magitan ng RSC-OS may 1:48 seconds pa sa ikala-wang round.

Mabilis na footwork at siyentipikong pamama-raan ang ginamit ng Koreana na sinabayan ng mahusay na kombinas-yon sa suntok para ipala-sap sa Team Philippine na ang biyahe ay pinon-dohan ng First Gentle-man’s Foundation at box-ing ‘godfather’ Ginebra San Miguel sa suporta ng Accel, Philippine Sports Commission at Pacific Heights, ang kanilang unang kabiguan sa unang araw ng torneo.

Tatlo pang Pinay ang nakatakdang sumalang-- sina first Asian Women’s lightweight gold medalist Mitchelle Martinez, pin-weight Gretchen Abaniel at bantamweight Jouvilet Chilem na bahagi ng kani-lang pagsasanay para sa nalalapit na SEA Games na iho-host ng ban

ANNALISA CRUZ

ANNIE ALBANIA

ASIAN WOMEN

FIRST GENTLE

GINEBRA SAN MIGUEL

GRETCHEN ABANIEL

JENNIFER PEKING

JONG HYANG

JOUVILET CHILEM

PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with