^

PSN Palaro

JRU nabuhayan ng pag-asa

-
Wala sa kanila ang pinakamahuhusay na offensive players. Ngunit taglay naman nila ang malaking puso.

Ginitla ng dehadong Jose Rizal University ang paboritong Mapua Insti-tute of Technology buhat sa 51-43 tagumpay para makasilip ng tsansa sa second round ng 81st NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

"Kahit na nasa ibaba kami may tsansa pa rin kami sa Final Four kasi ‘yung ibang teams naman nagbababaan eh ," sabi ni mentor Cris Calilan sa Heavy Bombers na may 2-7 rekord ngayon sa ilalim ng host Letran Knights (9-0), nagdede-pensang PCU Dolphins (7-2), Cardinals (5-4), five-time champions San Sebastian Stags (4-5), San Beda Red Lions (3-6), Perpetual Altas (3-6) at St. Benilde Blazers (3-6).

Isang 3-pointer ni Jen-ciano Domancas, umis-kor ng pito sa kanyang 13 puntos sa fourth quarter, ang naglatag sa 41-35 abante ng Heavy Bomb-ers sa 5:07 ng final canto kasunod ang dalawang basket nina Kevin Dela Peña at Neil Pascual para sa 39-41 agwat ng Cardi-nals, 4:04 sa laro.

Matapos ang basket ni Pascual para sa 41-44 paghahabol ng Mapua, dalawang freethrows nina Carlos Fenequito at Chester Natividad ang nagbigay sa Jose Rizal, huling nagkampeon noong 1972, ng 46-41 bentahe sa huling 2:07 ng laban.

Sa unang laro, nasik-wat naman ng Knights ang isang tiket sa Final Four makaraang igupo ang Altas, 59-51, tampok ang tig-14 puntos nina Boyet Bautista at Aaron Aban.

"I’m very happy with a nine-zero record, pero wala pa kami sa primary objective namin which is to win the championship," sabi ni Alas sa 9-0 kartada ng Letran. "Siguro magi-ging masaya lang talaga kami kapag nag-cham-pion na kami."

Isang 9-2 bomba ang inihulog ng Altas, natapos ang isang two-game winning roll para sa kanilang 3-6 baraha ngayon, buhat kina Vladymir Joe, Khiel Misa at Fritz Bauzon na nagdikit sa kanila sa Knights sa 49-50 sa huling 2:52 ng final canto.

Ang jump shot ni Bautista at lay-up ni Aban ang naglayong muli sa Letran sa 54-49 lamang laban sa Perpetual sa natitirang 1:41 nito.

Sa high school class, inilampaso ng Squires (7-1) ang Altalettes (1-7) sa kanilang 92-32 panalo galing sa tinipang 25 marka ni Darrell Green.

(Seniors)

Letran 59--Bautista 14, Aban 14, Alcaraz 10, Aldave 8, Rodriguez 7, Andaya 6, Mondragon 0, Quinday 0, Realista 0, Piñera 0, Balneg 0.

Perpetual 51--Misa 16, Refuerzo 12, Joe 11, Balboa 6, Apor 4, Bauzon 2, Manuel 0, Mendoza 0, Racho 0.

Quarterscores: 15-7; 29-21; 42-31; 59-51.

JRU 51--Maniego 14, Domancas 13, Dedica-toria 12, Natividad 7, Fenequito 5, Magtahao 0, Reyes 0, San Luis 0, Yuzon 0, Nicolas 0, Jorge 0.

Mapua 43--Pascual 12, Dela Peña 7, Gorospe 6, Del Rosario 5, Gonzales 5, Tiongco 3, Co 2, Veranga 2, Malgapo 1, Sumalinog 0, Salud 0, Migraso 0.

Quarterscores: 13-12; 25-23; 34-33; 51-43.

AARON ABAN

ABAN

ALTAS

BAUTISTA

BOYET BAUTISTA

CARLOS FENEQUITO

CHESTER NATIVIDAD

CRIS CALILAN

FINAL FOUR

LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with