Delos Reyes humarurot sa Milo Marathon Metro Manila leg
August 8, 2005 | 12:00am
Hindi nakita ni Rey-naldo delos Reyes ang mga mukha ng mga ma-bibigat na kalaban sa Manila leg ng 29th Natio-nal Milo Marathon na nagsimula at nagtapos sa Quirino Grandstand kaha-pon kayat nakasilip ito ng pagkakataon para mai-patapos niya ang kanyang ipinapagawang bahay.
Sinamantala ng 27-anyos na si delos Reyes ang di pagsali nina de-fending champion Roy Vence, Allan Ballester at Eduardo Buenavista, upang pangunahan ang mens division sa pagta-tala ng pinakamabilis na oras na 2-hours, 29-minutes at 39-seconds sa 42.195 kilometrong kare-ra.
"Malaking tulong sa akin ito dahil sa nagpa-pagawa kami ng bahay," sabi ng First Class mula sa Philippine Army na nakapagsubi ng P30,000 bilang champion purse sa karerang ito na suportado rin ng Bayview Hotel, Cebu Pacific, Smart Kid, Department of Tourism, Addict Mobile Phone at Power Bar.
Hindi nagpartisipa sina Vence, Ballester at Bue-navista gayundin sina Stella Mamac-Diaz at Christabel Martes dahil kasalukuyan silang nasa intensibong training para sa Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa November 27-December 5.
Batid ni delos Reyes, tubong San Dionisio, Iloilo na magbabalik sa Natio-nal Finals ang mabibigat na kalaban kaya determi-nado siyang paghandaan ito upang patunayang kaya niyang makipagsa-bayan sa mga malalakas na contenders.
"Iyon pong National Finals talagang lalo kong paghahandaan para mai-pakita ko na wala man iyong defending cham-pion at iba pang mala-lakas, mabigat pa rin iyong labanan," aniya.
Dinomina rin ng 2003 titlists na si Liza Yambao ang womens division sa pagsusumite ng oras na 3:14.17 para sa P30,000 na premyo din.
Nagtapos bilang run-ner-up sina Rolando Piamonte (2:32.45) sa mens side at Liza Delfin (3:19:29) sa distaff side para sa P20,000 runer-up prize habang may P10,000 naman sina Ma-merto Corpuz Jr. (2:33.31) at Mila Paje (3:25:52) bilang third placers.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended