Sweep sa first round ng UAAP men's volley tangka ng UP
August 6, 2005 | 12:00am
Sisikapin ng University of the Philippines na masungkit ang panalo upang ma-sweep ang first round ng UAAP Season 68 mens volley-ball tournament kung saan makakasagupa nila ang Adamson U bukas sa UP gym sa Diliman.
Taglay ng Maroons ang 4-0 kartada matapos nilang igupo ang Ateneo, 25-19, 25-21, 25-20 noong nakaraang Martes at muling papagitna sa alas-9:30 ng umaga para tipanin ang Falcons.
Ang iba pang sagupaan ay magtatampok sa Santo Tomas U laban sa NU sa alas-8:30 ng umaga, habang magbabanatan ang De La Salle at UE sa ala-1 ng hapon at magkikita ang FEU at Ateneo sa alas-2.
Nagkaroon naman ng three-way tie para sa liderato sa womens side matapos na magtabla ang defending champion De La Salle, FEU at Adamson sa 4-1 record.
At ito ang kanilang kakalasin ngayon kung saan makikipagkita ang Lady Falcons sa Lady Tig-resses sa alas-9:30 ng umaga, bago sasagasupain ng Lady Tamaraws ang Lady Eagles sa ala-1 ng hapon.
Sa iba pang laban magsasalubong ng landas ang De La Salle at NU sa alas-2, habang sa buwenamanong laro magtitipan ang UE at UP sa alas-8:30 ng umaga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended