Castro bumandera sa PCU Dolphins
August 6, 2005 | 12:00am
Pumutok ang mga second stringers ng defending champion Philip-pine Christian University sa pangunguna ni Jason Castro upang tulungan ang Dolphins sa intensibong 62-58 panalo laban sa mapanganib na College of St. Benilde sa pag-usad ng eliminations ng NCAA seniors basketball tournament sa Cuneta Astrodome.
Bumandera si Castro sa pagkamada ng 17-puntos, pitong rebounds at apat na assists upang isulong ang Philippine Christian sa ikapitong panalo matapos ang siyam na laro na lalong nagpatatag sa Dolphins sa ikalawang posisyon sa likod ng nangungunang host Colegio de San Juan de Letran na may malinis na 8-0 kartada.
Ang intensibong pag-lalaro ni Castro katulong ang isa pang second stringer na si Derryl Santos ay lumukob sa mahinang performance ni Robert Sanz at ng reigning Most Valuable Player na si Gabby Espi-nas na tumapos lamang ng apat na puntos dahil sa iniinda nitong calf muscle injury.
"Gabby (Espinas) and (Rob) Sanz are not performing their usual game," wika ni PCU coach Junel Baculi.
Binura ng Dolphins ang 55-54 kalamangan ng CSB Blazers sa pamamagitan ng 6-0 run tungo sa 60-55 kalamangan mula sa split ni Castro, 6.1 segundo na lamang.
Humirit ang St. Benilde sa pamamagitan ng tres ni Jay Sagad ngunit mabilis na nakakuha ng foul si Santos na nagkonekta ng kanyang dalawang bonus para sa komportableng apat na puntos na kalamangan bilang final score na naging sanhi ng ikaapat na sunod na talo ng Blazers na bumagsak sa 3-6 kartada.
Sa pang-umagang laban, kumamada ng 31-puntos si Allan Mangahas para sa PCU Baby Dolphins upang igupo ang La Salle Greenhills, 67-60 at umangat sa 2-6 kartada katabla ang kanilang biktima.
Sa ikalawang laro, tinuhog ni coach Koy Banal ang kanyang ikala-wang sunod na panalo sapul nang palitan nito si Nash Racela matapos ang 69-63 panalo laban sa San Sebastian College-Recoletos.
Umangat ang SBC Red Lions sa 3-6 kartada habang bumagsak na-man ang SSCR Stags sa 4-5 win-loss slate.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am