^

PSN Palaro

JRU 'di umubra sa Letran

-
Bagamat tumanggap ng mabigat na hamon ang host Colegio de San Juan De Letran kontra sa Jose Rizal University, nagawa pa ring panatilihin ng Knights ang kanilang malinis na kartada matapos itakas ang 63-58 panalo laban sa Bombers sa pagpapatuloy ng ikalawang round ng eliminations ng NCAA men’s basketball tourna-ment sa Cuneta Astrodome.

Sumulong sa ikawalong sunod na panalo ang Letran upang panatilihing maningning ang kanilang malinis na kartada matapos ipalasap sa Jose Rizal ang kanilang ika-pitong talo matapos ang walong laro na lalong nagbaon sa kanila sa kulelat na posisyon.

Patungo sa huling 17-segundo ng labanan, nakalapit pa sa 61-58 ang Bombers mula sa basket ni Floyd Dedicatoria.

Bagamat nagmintis si John Alcaraz sa kanyang dalawang free-throws mula sa foul ni Armando Maniego, napanatili ng Letran ang posesyon sa kanilang panig matapos tumawag ng jumpball ang referee dahil sa sabay na nagkamit ng lane violation ang magkabilang panig.

Sa unang laro, nagpamalas ng eksplosibong depensa at outside shooting ang University of Perpetual Help System Dalta upang ilampaso ang Mapua Institute of Technology, 67-40.

Bumandera ang sophomore guard na si Conrad Fritz Bauzon sa pagkamada ng 21-puntos kabilang ang 6-of-9 three-point shooting upang iangat ang kanilang kartada sa 3-5 win-loss slate at makabawi sa 62-67 kabiguan sa kanilang unang pagkikita sa first round.

ARMANDO MANIEGO

BAGAMAT

CONRAD FRITZ BAUZON

CUNETA ASTRODOME

FLOYD DEDICATORIA

JOHN ALCARAZ

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with