^

PSN Palaro

Pagsasanay ng Pinoy boxers, puspusan na

-
Sa nalalabing apat na buwan, maigting na ang ginagawang paghahanda ng Philippine boxing team para sa 23rd Southeast Asian Games.

"Talagang puspusan na ang preparation namin for the coming Southeast Asian Games," sabi kahapon ni national head coach Nolito ‘Boy’ Velasco sa mga miyembro ng national team. "Hindi kami tumitigil ng pag-eensayo."

Bagamat wala pang pormal na listahan para sa 2005 SEA Games sa Nobyembre, patuloy ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) sa pagpapa-ensayo sa national training pool.

Inaasahang lalakas ang tsansa ng ABAP na makopo ang overall standings sa boxing event sa pagbabalik ni national Cuban coach Raul Fernandez Liranza sa Agosto 9.

"Malaki talagang tulong sa amin si Liranza kasi nagbibigay siya ng mga pointers sa mga members ng coaching staff para magamit ng mga boxers natin," wika ni Velasco.

Siyam na weight division, lima sa men’s at apat sa women’s, ang nakataya sa 2005 Philippine SEA Games, ayon kay Velasco.

Sa nakaraang SEA Games sa Vietnam noong 2003, tanging si light flyweight Harry Tanamor ang nakapag-uwi ng gold medal.

Ang mga nakasuntok naman ng silver ay sina Juanito Magliquian, Joan Tipon, Roel Laguna, Florencio Ferrer at Mark Jason Melligen, habang bronze ang nakuha ni Fil-Am Christopher Camat. (Ulat ni Russell Cadayona)

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

FIL-AM CHRISTOPHER CAMAT

FLORENCIO FERRER

HARRY TANAMOR

JOAN TIPON

JUANITO MAGLIQUIAN

MARK JASON MELLIGEN

RAUL FERNANDEZ LIRANZA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

VELASCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with