^

PSN Palaro

Rizal Memorial Sports Complex, binisita ng Singaporean at Malaysian officials

-
Pinapurihan ng mga Chef de Mission ng Malaysia at Singapore ang pagpupursige ng Philippine SEAG Organizing Committee (PHILSOC) upang maging maayos ang 23rd Southeast Asian Games.

Bumisita kahapon sa bansa sina Low Beng Choo, ang Chef de Mission ng Malaysia at si Tood Vladich ng Singa-pore upang inspeksiyunin ang mga iba’t-ibang venues na pagdarausan ng mga event ng biennial meet na gaganapin sa Nobyembre 27-hang-gang Disyembre 5.

Inikot ng dalawang sports officials ng kapit-bahay na nasyon ng bansa ang baseball, lawn tennis at athletics oval sa Rizal Memorial Sports Complex at ang table tennis na gagawin sa Ninoy Aquino Stadium.

"Everything is well and great. The Committee is working very hard to finish everything on time," ani Low.

Gaya ni Low, natuwa rin si Todd sa kanyang pagbisita sa RMSC kung saan, habang isinusulat ang balitang ito, nagtungo naman sa PhilSports Area ang dalawa upang doon naman mag-inspeksi-yun.

Kasama ng mga nasabing opisyales sina PSC chairman Butch Ramirez, Congressman Harry Angping, Philab president Hector Nava-sero,at ang sec-gen ng athletics na si Ben Silva-Netto.

Nakatakdang magtungo naman sa Agosto 4-5 sa Cebu at Bacolod ang dalawa, habang sa Agosto 6 naman ang kanilang balik sa kani-kanilang bansa.

AGOSTO

BEN SILVA-NETTO

BUTCH RAMIREZ

CONGRESSMAN HARRY ANGPING

HECTOR NAVA

LOW BENG CHOO

NINOY AQUINO STADIUM

ORGANIZING COMMITTEE

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with