^

PSN Palaro

Tamaraws lusot sa Green Archers

- Carmela Ochoa -
Isinama ng Far East-ern University sa hanay ng kanilang biktima ang defending champion De La Salle University, 69-62 tungo sa kanilang ikaanim na sunod na panalo na higit na nagpatatag sa kanila sa pangkalahatang pamumuno ng UAAP men’s basketball tourna-ment sa Araneta Coli-seum.

Tanging ang Univer-sity of the Philippines na lamang ang hindi pa nakikipaglaban sa FEU at hangad nilang matuhog ang Maroons upang ma-sweep ang unang round ng eliminasyon.

Sa unang laro, baga-mat sinayang ng Univer-sity of Santo Tomas ang 21-puntos na kalama-ngan sa halftime at hinayaan nilang makahirit ng overtime ang National University, lumabas ang kanilang bangis sa huling maiinit na minuto ng laro tungo sa 107-100 panalo.

Sa juniors division, iginupo ng FEU Baby Tams ang De La Salle-Zobel, 67-57 upang solohin ang liderato taglay ang 5-1 record, habang umangat naman ang UST Tiger Cubs sa 2-4 record matapos ipalasap ang ika-anim na sunod na talo sa NU Bullpups, 82-61. Bumagsak ang Juniors Archers sa 4-2.

Sa women’s divi-sion na ginanap sa Adamson gym, tinalo ng AdU Lady Falcons ang FEU Lady Tams, 48-46 upang saluhan ang Ateneo Lady Eagles sa liderato sa 2-0 record.

Nanalo rin ang Lady Archers sa UE Amazons, 77-52 at ang UP Lady Maroons kontra sa UST Tigress, 68-49.

vuukle comment

ARANETA COLI

ATENEO LADY EAGLES

BABY TAMS

DE LA SALLE UNIVERSITY

DE LA SALLE-ZOBEL

FAR EAST

JUNIORS ARCHERS

LADY ARCHERS

LADY FALCONS

LADY MAROONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with