Kumbaga, sa larong iyon ay hindi na nabugbog ang mga starters ng magkabilang koponan at nabigyan na lamang ng playing time ang mga reserbang manlalaro. Para bang hinasa na lamang ng FEU at La Salle ang kanilang bangko dahil sa baka kailanganing magamit ang mga ito sa kanilang salpukan ngayong hapon.
Kaya naman hindi na tinanong ng mga sportswriters sa post-game interview kung ano ang nangyari sa larong nagdaan. Ang tinanong na lamang ay kung ano ang masasabi nila sa kanilang "big game."
Ang laro kasi mamaya ay rematch ng mga finalists noong isang taon. Magugunitang dinaig ng La Salle ang FEU sa Finals upang makopo ang korona.
Medyo may pressure sa balikat ni FEU coach Bert Flores na baguhan sa kanyang posisyon makaraang halinhan si Koy Banal sa simula ng torneo. Kasi ngay maganda ang mga panalong naitala nila sa unang laro. Sinasabi din ng mga experts na llamado ang Tamaraws dahil halos intact sila at matangkad ang line-up sa taong ito.
Pero ayon kay Flores, kahit sabihing maliit ang Green Archers, iba ang puso nila. Kailangang paghandaang mabuti. Kumbagay si Flores pa ang kinakabahan.
Kasi, nang si La Salle coach Franz Pumaren naman ang tinanong, nasabi niya na "I believe FEU has not really been challenged in its first five games. If we play as a team, baka pwede namin silang talunin."
Na siyang tutoo. Kasi ngay parang walang anumang pinalis ng Tamaraws ang kanilang mga nakalaban para magtala ng malinis na 5-0 record. Kahit na nga ang pinapaborang Ateneo Blue Eagles ay tinambakan nila.
Sa tutoo lang, kahit na defending champion ang La Salle, hindi gaanong mabigat ang pressure sa balikat ni Pumaren. Sinasabi niyang ang kasalukuyang koponan niya ang pinakamaliit sa walong taong paghawak niya sa La Salle.
"Its not same team as last year or the previous years. Kayat kailangang masipag ang mga players ko ngayon. Thats how we will beat FEU."
Nawala na nga naman sina Jerwin Gaco at Mark Cardona sa poder ng La Salle at wala naman talagang nakapalit sa dalawang ito. Bagamat nawala sina Dennis Miranda at Don Yabut sa FEU, marami namang pumalit dito at mas magaling pa.
So, kung hindi mabigat ang pressure sa Green Archers, malamang na mas may konsentrasyon sila sa laro kaysa sa Tamaraws at baka ito ang makatulong sa kanila para mapatid ang winning streak ng kanilang kalaban.
Tiyak na puputok ang Araneta Coliseum ngayong hapon.