Lalaruin ang dalawang araw na volleyball fiesta sa Baywalk malapit sa Manila Yacht Club sa kooperasyon ng Manila Sports Council (MASCO) sa pangunguna ni Ali Atienza na siya ring magsasagawa ng ceremonial toss kasama ang kanyang kapatid na si Kim Atienza, Petrons Charmaine Canillas at beach volley organizer Tisha Abundo.
Inaasahan ring dadalo sa simpleng seremon-ya ngayon sina Obet Pagdanganan, chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, at representatives ng events spon-sors Philippine Charity Sweepstakes Office, PAGCOR, Toyota Pasong Tamo, Villa de Oro, ACSAT, Speedo (official outfitter) at Mikasa (official ball).
"I expect the Baywalk near the Manila Yacht Club to be teeming with our beach volley babes and an enthusiastic Manila crowd out to cheer for their favorite pairs," ani Abundo, dating Philippine Sports Commissioner.
Malalaman ngayong alas-10 ng umaga kung sinu-sino sa 20 nagga-gandahang kababaihan na hinati sa 10-team roster ang maglalaban sa gagawing drawing of lots na pangangasiwaan ni Abundo at ng kanyang deputy na si Monique Melencio.
Ang unang leg ng tournament ay pinagwagian ng beteranang pares ng Philippine Army na sina Patricia Siatan at Jennifer Bohawe na awtomatikong nakakuha na ng slot sa grand finals ng serye sa Oct. 1-2. Sina Siatan at Bohawe ay makakasama sa grand championship ng Philippine Navy tandem nina Michelle Laborte at Cecille Tabuena, ang second leg winners, na siya ring nakaraang taong national titlists.
"We have adjusted our schedule in holding the grand finals in October, instead of the usual December sked because of the SEA Games in November and December," wika pa ni Abundo.