^

PSN Palaro

Banal na Beda

GAMA NA! - Bill Velasco -
Bihira na magpalit ng coach sa kalagitnaan ng torneo, subalit iyan ang nangyari sa San Beda Red Lions kamakalawa. Hindi na magpapatuloy si Nash Racela bilang head coach, at ang kanyang kapalit ay si Koy Banal.

Panandaliang nabakante si Banal sa pagiging coach sa kolehiyo nang hindi magkasundo ang management ng Far Eastern University na ituloy ang kanilang pagsasama, bagamat naihatid ni Banal ang Tamaraws sa kampeonato sa UAAP noong 2003. Dalawampung taon na mula nang magtapos si Banal sa San Beda, at ito ang unang pagkakataon niyang manilbihan sa kanyang dating paaralan.

Marahil, maaaring isipin na ngayon kumilos ang San Beda dahil may maliit na pagkakataon pa ang Red Lions na makapasok sa Final Four. Kung inyong magugunita, halos ganoon din ang nangyari sa UP noong nakaraang taon, dahil naospital si coach Lito Vergara. Nang bumalik siya, anim na sunod ang kanilang naipanalo, Kung naipanalo pa nila ang kanilang huling laro laban sa UE, pasok na sana sila sa Final Four, tila isang milagro.

Sa ngayon, 1-6 ang karta ng San Beda, kasabay ng kawawang Jose Rizal University, na noong nakaraang Biyernes lamang nakatikim ng panalo laban sa San Sebastian College. Kung susuriin natin, posible pang makahabol ang San Beda. Ang ligtas pa lamang naman ay ang Philippine Christian University at Letran College, na kapwa may 6-0 na rekord nang magharap sila kahapon.

Mahirap na silang buwagin.

Subalit ang iba pang team ay maaaring habulin pa. Wala pang nakakasigurado na makakuha ng walong panalo, kaya bukas pa ang pinto para sa San Beda.

Isang naging susi ng tagumpay ng Red Lions kahapon ay ang demokratikong sistema ni Racela. Subalit wala na ang dalawa sa tatlong hari ng kanyang koponan. Gradweyt na ang forward niyang si Arjun Cordero, samantalang kinuha naman ng Ateneo de Manila sa UAAP si Ronnie Bughao. Dahil dito, dumami ang mga rookie na mula sa Red Cubs.

Nahirapan ang mga baguhan sa pag-akyat sa seniors kulang sila sa laki. Walang lagpas 6’4" sa Red Lions, at marami sa kanilang mga kalaban ay may mga sentrong 6’6" pataas. Pero nagagawan pa rin ng San Beda na manguna sa rebounding.

Ang isang magiging suliranin ni Banal ay kung paano gumawa ng mabilis na resulta. Hindi madaling ibuwelta ang kotseng palaglag na sa bangin. Subalit, kung hihigpit pa ang depensa ng San Beda, marami pang tatalunin ito. Sa tingin ko, ang mga koponang nasa ilalim ng standings ay dapat kabahan.

Kalahati ng liga ay halos nagsisimula sa wala, kaya’t siguradong makakaakyat ang Beda. Ang tanong lamang ay kung kaya nilang talunin ang PCU, Letran o Mapua, na siyang tatlong nasa itaas ngayon. Kung kinakailangan nilang ipanalo ang anim sa huli nilang pitong laro, ibig sabihin ay itataob nila ang dalawa sa tatlong iyon.

Ang mahalaga ngayon ay huwag mangulila ang mga manlalaro ni Banal, at maniwala sila sa anumang bagong sistemang ilalagay niya. Ang importante pa ay maniwala sila na kaya pa nilang manalo, at hindi pa tapos ang lahat.

ARJUN CORDERO

BEDA

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KOY BANAL

RED LIONS

SAN

SAN BEDA

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with