^

PSN Palaro

RP-San Miguel nasilat

-
TAIPEI, Taiwan --Umiskor ng pinakamalaking upset ang AIS ng Australia makaraang sorpresahin ang RP-San Miguel Beer, 80-76, sa pagpapatuloy ng 27th R. William Jones Cup International Basketball Tournament dito.

Bagamat talunan, kanilang una sa limang panimula, maari pa ring angkinin ng Pinoy ang kampeonato kung mananalo sila sa kanilang huling apat na asignatura kabilang na ang laban sa powerhouse Passing Lane ng USA at Samara ng Russia.

Sa pagtutulungan ng backcourt tandem nina Ryan Kersten at Patrick Mills na nakipagitgitan sa loob ng court, napanatili ng AIS ang laro mula sa simula at sinamantala ang mga mali ng RP-San Miguel para sa kanilang unang panalo sa limang laro.

"I guess we had it coming since the Korea game," ani national coach Chot Reyes, na may 11-man crew para sa laro sa pagdating nina PBL standouts Dennis Miranda at Jondan Salvador. "We just couldn’t start strong from that game until now. And then we missed so many layups, putbacks and free throws. They were there for the taking but we couldn’t convert. And you can’t afford to let that happen in this tournament."

Kilala sa kanilang mabagal na simula, sinimulan ng mga Pinoy na mag-init sa ikatlong quarter nang bumandera si Tony dela Cruz ng rally at ibigay sa Nationals ang 55-49 bentahe. Ngunit hindi nila nagulat ang Australian.

Isang three-pointer ni Mills ang nagtabla sa laban sa 68 all at nag-pagsiklab ng 8-0 spurt na nagbigay sa AIS ng 73-68 abante may tatlong minuto na lamang ang nalalabi.

"Now we have to win all our remaining games if we’d like to win this tournament. All is not lost. We’ve got to break those bad habits and play a lot better," ani Reyes.

Makakalaban ng RP-San Miguel ang Japan ngayong alas-12 ng tanghali.

CHOT REYES

DENNIS MIRANDA

JONDAN SALVADOR

PASSING LANE

PATRICK MILLS

PINOY

RYAN KERSTEN

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL BEER

WILLIAM JONES CUP INTERNATIONAL BASKETBALL TOURNAMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with