^

PSN Palaro

Dolphins tuhog sa Knights

-
Sa labanan ng dalawang matitinik na koponan sa kasalukuyang NCAA men’s basketball tournament, ang host Colegio de San Juan de Letran ang lumabas na hari sa pagtatapos ng unang round ng elimi-nations kahapon sa Cuneta Astrodome.

Ang Letran Knights ang may karapatang makapagyabang ng kani-lang malinis na karta patungo sa ikalawang round nang kanilang igupo ang defending champion Philippine Christian University, 70-64 sa kanilang ‘showdown’ na humantong pa ng overtime.

Na-sweep ng Knights ang unang round para sa malinis na 7-0 record habang naiwan sa ikalawang puwesto ang dating co-leader na PCU Dolphins na lumasap ng kanilang unang pagkatalo bunga ng 6-1 kartada.

Sa panalong ito, kahit papaano’y nakabawi ang Letran sa kanilang pagkakasibak sa Final Four noong nakaraang taon mula sa mga kamay ng Philippine Christian.

Pinangunahan ng veteran swingman na si Aaron Aban ang balanseng pag-atake ng Letran sa pagkolekta nito ng 17 puntos at 11 rebounds habang tatlong Knights ang nakatulong nito na umiskor ng double digits na sina Jonathan Aldave, Mark Andaya at JP Alcaraz na nag-ambag ng tig-12-puntos.

Ngunit si Alcaraz ang nagdeliber ng mga krusyal na baskets nang inihatid nito ang anim sa walong puntos ng Knights sa overtime, isang jumper at 4-for-4 shooting mula sa free throw line.

Ang tanging goal ng Dolphins sa overtime ay mula kay 2004 MVP at ROY Gabby Espinas, 12.7 second na lamang ngunit naging matatag ang Letran upang mapreserba ang tagumpay.

Sa ikalawang laro, kinana ni Neil Pascual ang kanyang natatanging puntos na short stab sa huling 1.6 segundo ng labanan upang ibangon ang Mapua Institute of Technology sa dalawang sunod na talo sa pamamagitan ng 66-64 panalo laban sa College of St. Benilde, 66-64.

Nanalo din ang junior counterparts ng Letran na Squires laban sa PCU Baby Dolphins, 85-63 para sa double victory ng host school. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

AARON ABAN

ALCARAZ

ANG LETRAN KNIGHTS

BABY DOLPHINS

CARMELA V

COLLEGE OF ST. BENILDE

CUNETA ASTRODOME

FINAL FOUR

GABBY ESPINAS

LETRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with