May plano na ang organizers na lagyan ng foerign flavor ang event kung saan pinapaboran ang ideya ng local teams kontra sa mga Asian countries.
"Thats a dream. It would entail a lot of resources but we really would like to make it to the Asian level and host it here first," ani Tisha Abundo, dating sports commissioner at ang nasa likuran ng pangunahing womens beach volleyball meet sa bansa.
Kasama ni Abundo na dumalo sa PSA Forum sina Ingrid Verayo at Marie Mycah Mariano ng St. Francis at Diane Destajo ng City College of Manila.
Sinamahan din sila ni Manila Sports Council chairperson Ali Atienza, na ang opisina ang co-sponsor ng dalawang araw na torneong gaga-napin sa Baywalk malapit sa Manila Yatch Club sa kauna-unahang pagkakataon.
Sinabi Atienza na gagawa sila ng makeshift sandcourt na malapit sa Manila Yatch Club na kumpleto sa bakod para hindi makalayo ang bola at hindi mapupunta sa Roxas Blvd. at Manila Bay.
May kabuuang 20 naggagandahang dilag mula sa 10 koponan ang lalahok sa torneong mag-bibigay ng cash prizes at puwesto para sa grand finals sa Disyembre.
Awtomatikong naka-pasok na sa grand finals sina first leg winner Patricia Siatan at Jennifer Bohawe at second leg winner Michelle Laborte at Cecille Tabuena.