Gorres vs Thai pug
July 27, 2005 | 12:00am
Ipapapakita ni Pinoy boxer Z Gorres ang kanyang husay sa harap ng mga kababayan sa kanyang pakikipagharap kay Deeden Kengkarun ng Thailand sa isang espesyal na 10 round bout sa Sabado sa bagong ayos na San Andres Gym.
Tataguriang "Return of the Z" ang naturang boxing promotion ay ang kauna-unahang ring appearance ni Gorres, makaraan ang kanyang maningning na first round demolition kay Los Angeles-based Glenn Donaire sa undercard ng Manny Pacquiao-Eric Morales superfeatherweight match sa Las Vegas, may apat na buwan na ang nakakalipas.
Nangako ang hard-hitting protegee ni boxing patron Tony Aldeguer na mag-katulad na palabas kontra sa kalabang Thai ang kanyang ibibigay sa kanilang super flyweight match.
"Preparado po ako para sa laban na ito," ani Gorres nang dumalo ito sa lingguhang PSA Forum kahapon sa main function room ng Pantalan Res-taurant sa Manila. "Continuous po ang training ko straight from the US."
Kasama din ni Gorres sa public sports program na hatid ng Red Bull, Circure, Supermax, PAGCOR at Manila Mayor Lito Atienza si Cebu promoter Sammy Gello-ani, American agent Mike Kocz, World Boxing Organization (WBO) Asia-Pacific representative Leon Panoncillo, Kengkarun at kapwa Pinoy boxers na sina Ray Boom Boom Bautista at Michael Domingo.
Nakatakdang makalaban ni Domingo si Joel Bauya para sa Philippine bantamweight crown habang naghahanda naman si Bautista para sa kanyang laban sa August 19 sa Sacramento, California kung saan inaasahang tampok ito sa special boxing promotion, ayon kay Kocz.
"We will only know his (Bautista) opponent this afternoon (yesterday), but hell definitely be the main attraction in the boxing card were putting up on August 19," pagsisiguro ni Kocz, ang naturang American agent na umayos din ng laban ni Bobby Pacquiao kamakailan sa US.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am