Martelino sa PBFI
July 26, 2005 | 12:00am
Dahil sa biglaang pag-ayaw ni Cebu congressman Eduardo Gullas nahalal na kauna-unahang pangulo ng bagong tatag na Philippine Basketball Federation, Inc. si dating Basketball Association of the Philippines at Asian Basketball Confederation general-secretary Mauricio Moying Martelino.
Labing-apat na board of trustees at isang incorporator ang nagluklok sa 70 anyos na si Martelino, na uupo bilang pangulo ng PBFI sa loob ng isang taon.
"First, kailangang mag-apply ng membership sa Philippine Olympic Committee," ani Martelino na magbabalik sa larangan ng basketball makaraan ang ilang taong pamamahinga dito. "Pag kinilala na kami ng POC, at saka mag-aapply sa International Basketball Federation," ani Martelino makalipas ang dalawang oras na deliberasyon na ginanap sa Makati Sports Club, kung saan naroon din sina POC chairman Robert Aventajado ng taekwondo at POC president Jose Peping Cojuangco upang mag-obserba sa naturang eleksiyon.
Ang pagbabalik na ito ni Martelino sa senaryo ng basketball ay bunga ng pagpapatalsik ng POC sa pagkilala sa BAP, na ngayon ay pinamumunuan ni dating senador Joey Lina.
Nahalal naman si Nic Jorge bilang senior vice-president habang si Philippine Bas-ketball League commisioner Chino Trinidad ang vice-president for men at si Pedro Lee naman ang vice-president for women.
Kasalukuyang tinatalakay pa ng board kung sino ang ilalagay nila bilang secretary-general.
Ang iba pang nahalal ay sina Fr. Vic Calvo ng Letran at kinatawan ng National Collegiate Athletic Association bilang treasurer at si Fr. Maximino Rendon ng Adamson at kinatawan ng University Athletic Association of the Philippines ang auditor.
Isusumite agad ni Martelino ang kanilang aplikasyon para sa pagkilala ng POC ngayon upang makasama sa agenda ng POC assembly meeting sa July 27. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended