Pinatawan ng one-game suspension ng NCAA Management Committee kayat hindi ito makakalaro sa pakiki-pagharap ngayon ng SSC-R Stags sa Jose Rizal University sa pagpa-patuloy ng mens basketball tournament sa Cu-neta Astrodome.
Tampok na laro ang sagupaan ng San Sebas-tian at ng JRU Heavy Bombers sa alas-2:30 ng hapon pagkatapos ng engkwentro ng San Beda College at ng University of Perpetual Help Dalta System.
Tinawagan ng disqua-lifying foul si Najorda sa kalagitnaan ng ikatlong quarter sa panalo ng Baste sa overtime game kontra sa UPHDS Altas, 76-75 nang kanyang siku-hin sa dibdib si Rommel Balboa sanhi ng kanyang pagkaka-thrown-out.
Sa naturang laro, na-patalsik din si coach Arturo Valenzona dahil sa kanyang tuluy-tuloy na pagrereklamo ngunit bi-nigyan lamang ito ng stern warning ng MAN-COM na pinangunguna-han ni chairman Fr. Victor Calvo ng host Letran.
Sa juniors division, maghaharap ang SBC Red Cubs at UPHDS Altalletes sa alas-11:30 ng umaga habang sa huling laro, magkikita ang SSC-R Staglets at JRU Light Bombers sa alas-4:00.