^

PSN Palaro

4th win aasamin ng Baste na wala si Najorda

-
Malaking hamon para sa San Sebastian College ang kanilang layunin ang tuhugin ang ikaapat na sunod na panalo dahil gagawin nila itong di kasama ang kanilang key player na si Leo Najorda.

Pinatawan ng one-game suspension ng NCAA Management Committee kaya’t hindi ito makakalaro sa pakiki-pagharap ngayon ng SSC-R Stags sa Jose Rizal University sa pagpa-patuloy ng men’s basketball tournament sa Cu-neta Astrodome.

Tampok na laro ang sagupaan ng San Sebas-tian at ng JRU Heavy Bombers sa alas-2:30 ng hapon pagkatapos ng engkwentro ng San Beda College at ng University of Perpetual Help Dalta System.

Tinawagan ng disqua-lifying foul si Najorda sa kalagitnaan ng ikatlong quarter sa panalo ng Baste sa overtime game kontra sa UPHDS Altas, 76-75 nang kanyang siku-hin sa dibdib si Rommel Balboa sanhi ng kanyang pagkaka-thrown-out.

Sa naturang laro, na-patalsik din si coach Arturo Valenzona dahil sa kanyang tuluy-tuloy na pagrereklamo ngunit bi-nigyan lamang ito ng ‘stern warning‚ ng MAN-COM na pinangunguna-han ni chairman Fr. Victor Calvo ng host Letran.

Sa juniors division, maghaharap ang SBC Red Cubs at UPHDS Altalletes sa alas-11:30 ng umaga habang sa huling laro, magkikita ang SSC-R Staglets at JRU Light Bombers sa alas-4:00.

ARTURO VALENZONA

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LEO NAJORDA

LIGHT BOMBERS

MANAGEMENT COMMITTEE

R STAGLETS

R STAGS

RED CUBS

ROMMEL BALBOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with