^

PSN Palaro

RP-San Miguel lusot sa Long Beach Jam

-
LAS VEGAS-- Nalusutan ng Philippine basketball team ang 16-point deficit upang sorpresahin ang dating walang talo na Long Beach Jam, 93-92, sa isang makapigil-hiningang laro sa Global Hoops Summit sa Cox Pavilion sa University of Nevada sa Las Vegas campus noong Martes ng hapon (Miyerkules ng umaga sa Maynila).

Kumana ng 15 foot jumper si Dondon Hontiveros na nagbigay sa Philippines ng ikatlong pagtikim sa abante, may 50.2 segundo na lamang ang nalalabi. Kasunod nito, na-steal ni Jayjay Helterbrand ang bola kay 6’7 Alex Comaco upang maipreserba ang bentahe. Nagkaroon ng pagkakataon ang Jam na makaalpas, ngunit nag-mintis ang desperadong jumper ni Kamron Sufi kasunod ng buzzer.

Isang magiting na pakikipaglaban ang ipinakita ng Pinoy na hindi sumuko bagamat nagkaroon ng strain left calf muscle ang kamador na si Ren Ren Ritualo sa kaagahan ng first period.

Nagpakawala ng 14 puntos sa kanyang kabuuang 22 puntos si Tony Dela Cruz sa ikalawang yugto nang pigilan ng RP-San Miguel ang Jam na palobohin ang kanilang 16 puntos na bentahe, 31-15.

Humalili naman sa opensa si James Yap nang kumana ito ng 13 puntos sa kanyang kabuuang 16 puntos sa second half habang hindi naman nagpadaig si Romel Adducul sa mga higanteng kalaban nang kumana ito ng 11 puntos at 7 rebounds.

Ang Jam, na nagwagi sa American Basketball Association kasama si Dennis Rodman sa nakalipas na dalawang season, ang tanging club na naglalaro sa Summit na naglalaro ang prangkisa sa regular league.

vuukle comment

ALEX COMACO

AMERICAN BASKETBALL ASSOCIATION

ANG JAM

COX PAVILION

DENNIS RODMAN

DONDON HONTIVEROS

GLOBAL HOOPS SUMMIT

JAMES YAP

JAYJAY HELTERBRAND

KAMRON SUFI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with