Nagrehistro si Santos ng 3.20m upang wasakin ang dating Philippine best na 3.10m na hawak ng national team mainstay na si Maristela Torres.
Sina Santos at ang kakamping si Stephanie Javellana ay seeded 4th at 6th sa torneo, ngunit nanorpresa ng mga kalaban dahil sa magilas nilang performance. Ang kanilang partisipasyon ay sinuportahan ng Ateneo Office of the President, Ateneo de Manila University Athletics Office at ng Ateneo Track and Field Alumni.
Si Javellana ay ikaapat sa naturang event kung saan ang tatlong kalaban ay mula sa Hongkong, isa sa China An Hui Track and Field team at dalawa mula naman sa Chinese-Taipei Team A.