Malakas ang naging simula ng Passing Lane at ginamit ang lakas na ito sa inside lane upang maka-iskor ng high percentage shots mula kina 70 Brian Sigafoos ng Harvard, 611 Cedric Suitt ng Pepperdine, 610 Reggie Okosa ng La Salle at Sun Ming Ming ng China.
Ngunit nang magsimulang magrally ang Nationals, ipinasok ni Passing Lane coach Terry Layton ang 67, 240 pounder na si Steffon Bradford ng Nebraska upang umiskor ng malalaking baskets. Nagtapos si Bradford ng may kabuuang 22 puntos.
Tinangka nina Romel Adducul, Don Allado at Kerby Raymundo na depensahan ang mas malalaking kalaban sa ilalim ng board ngunit hindi makapasok sa mga higante ng Passing Lane. Dinomina ng Passing Lane ang boards, 52-37.