Una sa lahat, sa dinami-dami ng mga pagdarausan ng mga laro, mahirap talagang lubusin ang paghahanda. Marahil, dapat unang puntiryahin ang track and pool, dahil, sa kahit anong multi-sports event, karamihan sa mga medalyay pagta-talunan sa athletics at swimming.
Ang suliranin daw ay mahirap maghanap ng salapi para gastusin nang lubos para sa SEA Games. Subalit, may solus-yon diyan, kung pag-aaralan natin ang kasaysayan ng Olympic Games.
Noong 1984, sa Los Angeles idinaos ang Olympic Games. Bago bumalik ang Olympics doon, lahat ng naunang mga laro ay nalugi. Dahil sa laki ng gastusin sa pagtatayo ng mga palaruan, Nabaon ang mga siyudad na naging punong-abala sa pinakamalaking palarong ito.
Nang gawing pinuno ng Los Angeles Olympic Organizing Committee si Peter Ueberroth (na mas kilala bilang commissioner ng Major League Baseball), ang una niyang ginawa ay kontratahin ang mga sponsor para sa mga palaro.
Subalit, sa halip na paligid lamang ng mga laro ang isponsoran nila, sinabi ni Ueberroth na kailangang magpatayo din sila ng mga venue. Ang halaga ng bawat pakete: $200 milyon, at isang venue. Dahil dito, ang LA Olympics ang unang modern Olympics na hindi nalugi, bagkus ay kumita pa. Nauna ang pagpirma ng television contract, kasunod ang pagkuha ng 70,000 volunteers na nagsilbing mga usher, interpreter, driver, escort, at kung anu-ano pa.
Mula noon, nauso na ang ipangalan ang mga gym, stadium, arena at iba pa sa mga isponsor. Hindi tuloy maiwasan na banggitin ang pangalan ng mga ito, at sulit ang gastos bilang sponsorship. Sa Pilipi-nas, ang natatanging gym na ganito ay ang adidas Sports Kamp sa Fort Bonifacio.
Magiging kahiya-hiya ang PHILSOC at Philippine Olympic Committee kung hindi natin mapaghahandaang mabuti ang SEA Games. Mahihirapan na rin ang NBN 4 sa coverage, dahil nga kalat ang mga venue. Sana lang ay makita nating nagsusumikap talaga ang mga sports leaders natin na maaayos na ang mga gym at stadium, para naman pagdating ng mga bisita natin, may maganda rin silang masa-sabi tungkol sa sports sa Pilipinas.
Sayang lang at hindi tayo kasali sa basketbol.