Isinalba ni Leo Najorda sa bingit ng kabiguan ang SSCR nang umiskor ito ng tatlong krusyal na freethrows upang kumpletuhin ang kanyang 27-puntos at walong rebounds at ihatid sa ikalawang sunod na panalo matapos mabigo sa kanilang unang asignatura.
Dahil dito, bahagyang nakahabol ang Baste sa College of St. Benilde na may 3-1 kartada sa likod ng mga nangungunang defending champion Philippine Christian University, host Colegio de San Juan de Letran at Mapua Institute of Technology na may malinis na 4-0 karta.
Ibinandera ng San Sebastian ang 10-puntos na kalamangan, 69-59 mula sa four-point play ni Miguel Lindaya ngunit hinayaan nilang makalapit sa 71-74 papasok sa huling dalawang minuto ng labanan.
Sa ikalawang seniors game, nakapasok din sa win column ang Perpe-tual Help System DALTA makaraan ang 59-42 panalo laban sa Jose Rizal U.
Umiskor ng double victory ang San Sebastian matapos maungusan ng Staglets ang SBC Red Cubs, 67-65. (Ulat ni CVOchoa)