^

PSN Palaro

Stags lusot sa Red Lions

-
Nailusot ng San Sebastian College-Recoletos ang 77-74 panalo laban sa San Beda College sa likod ng kanilang maalat na freethrow shooting sa endgame sa pagpapatuloy ng NCAA men’s basketball tournament sa Cuneta Astrodome kahapon.

Isinalba ni Leo Najorda sa bingit ng kabiguan ang SSCR nang umiskor ito ng tatlong krusyal na freethrows upang kumpletuhin ang kanyang 27-puntos at walong rebounds at ihatid sa ikalawang sunod na panalo matapos mabigo sa kanilang unang asignatura.

Dahil dito, bahagyang nakahabol ang Baste sa College of St. Benilde na may 3-1 kartada sa likod ng mga nangungunang defending champion Philippine Christian University, host Colegio de San Juan de Letran at Mapua Institute of Technology na may malinis na 4-0 karta.

Ibinandera ng San Sebastian ang 10-puntos na kalamangan, 69-59 mula sa four-point play ni Miguel Lindaya ngunit hinayaan nilang makalapit sa 71-74 papasok sa huling dalawang minuto ng labanan.

Sa ikalawang seniors game, nakapasok din sa win column ang Perpe-tual Help System DALTA makaraan ang 59-42 panalo laban sa Jose Rizal U.

Umiskor ng double victory ang San Sebastian matapos maungusan ng Staglets ang SBC Red Cubs, 67-65. (Ulat ni CVOchoa)

COLLEGE OF ST. BENILDE

CUNETA ASTRODOME

HELP SYSTEM

JOSE RIZAL U

LEO NAJORDA

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MIGUEL LINDAYA

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RED CUBS

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with