^

PSN Palaro

Labanan ng mga nasa hulihan

-
Pagkakataon na ngayon ng mga koponang nasa ilalim ng team stand-ings na iangat ang kanilang katayuan ngayong pahinga ang mga malalakas na koponan sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA men’s basketball tournament sa Cuneta Astrodome.

Tangka ng San Sebastian College ang kanilang ikalawang panalo habang sisikapin naman ng San Beda College, Jose Rizal University at University of Perpetual Help Dalta System na makapasok sa win column sa dalawang sultadang inaasahang magiging kapanabiknabik ngayon hapon.

Unang magku-krus ang landas ng SBC Red Lions at SSCR Stags sa alas-2:00 ng hapon na susundan ng engkwentro ng UPHDS Altas at ng JRU Heavy Bombers sa dakong alas-4:00.

Sa apat na koponang ito, tanging ang Baste pa lamang ang nakakatikim ng panalo laban sa College of St. Benilde, 67-63 noong Biyernes para sa kanilang mas nakakaangat na 1-3 record.

Sa juniors division, maghaharap naman ang SBC Red Cubs at SSC-R Staglets sa pambungad na laban sa alas-11:30 ng umaga habang sa ikaapat at huling laro ay magpapang-abot naman ang UPHDS Altalletes at JRU Light Bombers. (Ulat ni CVO)

COLLEGE OF ST. BENILDE

CUNETA ASTRODOME

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LIGHT BOMBERS

R STAGLETS

RED CUBS

RED LIONS

SAN BEDA COLLEGE

SAN SEBASTIAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with