Malinis na marka asam ng PCU at MIT

Panatilihing malinis ang katayuan ang layunin ng defending champion Philip-pine Christian University at ng Mapua Institute of Technology sa pakikipagharap sa magka-hiwalay na kalaban sa pagpa-patuloy ng NCAA men’s bas-ketball eliminations sa Cuneta Astrodome.

Itataya ng MIT Cardinals ang kanilang walang dungis na kartada laban sa University of Perpetual Help Dalta System sa unang seniors game, ala-una ng hapon gayundin ang PCU Dolphins sa Jose Rizal University sa alas-4:30 ng hapon.

Kapwa hangad ng Mapua at Philippine Christian ang ikaapat na sunod na panalo upang saluhan sa kasaluku-yang solo leader ang host Colegio de San Juan de Letran na may 4-0 kartada.

Pinapaborang manalo ang Cardinals at Dolphins laban sa UPHDS Altas at JRU Heavy Bombers na parehong wala pang panalo sa tatlong laro.

Ngunit kailangang mag-ingat ng Mapua at Philippine Christian kontra sa Jose Rizal at Perpetual na siguradong gigil na matikman ang kanilang unang panalo.

Sa kaisa-isang juniors game sa alas-2:30 ng hapon, magsasagupa naman ang JRU Light Bombers at PCU Baby Dolphins. (CVOchoa)

Show comments