Blue Eagles pinana ng Green Archers

Isang malaking pana-lo laban sa isang matin-ding karibal.

Sa harap ng libu-libong sumugod sa Ara-neta Coliseum, mina-saker ng nagdedepen-sang De La Salle Uni-versity ang Ateneo de Manila University, 78-60 para sa kanilang unang laro sa 68th UAAP men’s basketball tournament kahapon.

Matapos kunin ang first period mula sa maik-ling 20-11 lamang, isang 16-2 bomba ang inihulog ng Green Archers sa se-cond quarter para ibaon ang Blue Eagles, gina-bayan ni PBA Grand Slam coach Norman Black, sa 36-13 sa 5:33 minuto.

Samantala, humugot naman si Kenneth Bono ng 24 marka at 16 boards para igiya ang host Adam-son sa 116-103 panalo laban sa National Univer-sity.

Sa high school scene, itinakas ng La Salla-Zobel ang isang 75-71 panalo kontra sa Ateneo Blue Eaglets, samantalang tinalo naman ng Baby Falcons ang Bullpups, 74-49.(Russell Cadayona)

Show comments