Serye nais itabla ng Phone Pals
July 8, 2005 | 12:00am
Matapos mabaon sa 0-2 sa championship series ng Gran Matador Fiesta PBA Conference, pinatunayan ng Talk N Text na kaya nilang makipagsabayan sa San Miguel makaraang magtala ng impresibong panalo.
Ngunit sa hangarin ng Phone Pals na itabla ang best-of-seven championship series ngayon, natitiyak ni coach Joel Banal na mahihirapan silang gawin ito.
Naitala ng Talk N Text ang unang panalo sa serye, 103-77 kamakalawa nang kanilang masustinihan ang intensibong laro upang pangalagaan ang mahigit 20-puntos na kalamangan hindi gaya ng nangyari sa Game-Two kung saan nauwi sa wala ang kanilang 20-puntos na bentahe nang kanilang ipaubaya ang 81-79 panalo sa Beer-men.
Sa muling pakikipagsagupa ng Phone Pals sa San Miguel para sa Game-Four ng titular showdown sa Araneta Coliseum, inaasahan ni Banal ang malakas na pagbabalik ng Beermen na siguradong gigil na makabawi sa kanilang nakaraang pagkatalo.
Isang malaking inspirasyon sa Phone Pals sa kanilang nakaraang tagumpay ang pagtanggap nina Willie Miller ng Best Player of the Conference at Jerald Honeycutt bilang Best Import at umaasa si Banal na madadala nila ito ngayon para sa kanilang misyong itabla ang serye.
Bukod kina Honeycutt at Miller, umaasa din si Banal na muling magbibigay ng intensibong laro sina Mark Telan at Harvey Carey upang di malagay sa alanganing sitwasyon ang Phone Pals.
Tiyak na malaking adjustments ang isinagawa ni coach Jong Uichico upang makabangon sa kanilang nakaraang pagkatalo.
Naging matagumpay ang Beermen na makabangon mula sa 20-point deficit ngunit hindi na nila ito nagawa sa nakaraang laro at ito ang iiwasan ng Beermen na pangungunahan nina import Ace Custis, Danny Ildefopnso, Nic Belasco, Olsen Racela, Danny Seigle at Dondon Hontiveros upang makalapit sa titulo. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest