Titulo papanain na ng Lady Archers
July 7, 2005 | 12:00am
Inaasahang isasara na ng La Salle ang pintuan para sa University of Santo Tomas sa kanilang pagtatangka sa korona ng 2005 Shakeys V-League first conference crown sa Game 2 ng kanilang best-of-three title playoff sa Rizal Coliseum.
Nagpamalas ng solidong net defense at mahusay na court coverage, nakauna ang Lady Archers sa serye sa pamamagitan ng, 25-21, 18-25, 25-19, 27-25, sa Makati Coliseum noong Lunes at nakatuon ang pansin ngayon sa kanilang ikalawang sunod na korona sa torneong hatid ng Shakeys Pizza.
Winalis din ng La Salle ang UST noong 2004 second conference final may ilang buwan na ang nakakalipas matapos daigin ng Tigress ang Lady Archers sa tatlong laro upang maangkin naman ang titulo noong inaugural nang nakaraang taon.
"Well go all out for the win in Game 2, and hopefully, win us another championship," ani La Salle coach Ramil de Jesus, na kumpiyansang mauulit ang panalo nila sa Tigress sa pang-alas-3 ng hapon na bakbakan.
Samantala, target din ng San Sebastian na tapusin ang kanilang sariling serye ng Ateneo para sa ikatlong pu-westo sa ganap na ala-una ng hapon. Tinalo ng Lady Stags ang Lady Eagles, 27-25, 25-19, 25-21, sa opener ng event na ito na suportado ng Accel, Mikasa, Dunkin Donuts, IBC-13, Philippine Sports Commission at Jemah Television.
Ang La Salle-UST match ay ipapalabas ngayong alas-7 ng gabi sa IBC-13 habang ang SSC-Ateneo game ay isasa-ere bukas ng alas-7 din ng gabi.
Kung kailangan ng Game Three, ito ay nakatakda sa Sabado sa Rizal Memorial Coliseum.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest