Bagamat sumulong sa ikatlong sunod na panalo ang PCU Dolphins, naniniwala si Baculi na may ibubuga pa ang kanyang koponan.
Maaga pa lamang ay nagparamdam na ng lakas ang Dolphins nang kanilang limitahan sa anim na puntos ang Altas sa unang canto kasabay ng kanilang paghakot ng 17 puntos.
Ngunit hindi nasustini-han ng Dolphins ang kanilang puwersa na halos hindi lumayo sa 11-puntos na kalamangan maliban final score kung saan ibinandera nilang ang pinakamalaking bentahe na 14-puntos, mula sa mailap na four-point play ni Ramon Retaga mula sa foul ni Rommel Balboa na nagselyo ng final score.
Sa unang laro, nakabawi naman ang PCU Baby Dolphins sa kani-lang pagkatalo sa kanilang debut game nang kanilang ilampaso sa 105-54 iskor ang UPHDS Altalletes na lumasap ng kanilang ikatlong sunod na talo sa gayon ding dami ng laro. (Ulat ni CVOchoa)