^

PSN Palaro

Altas yuko sa Dolphins

-
Dinomina ng defending champion Philippine Christian University ang kanilang laban kontra sa University of Perpetual Help Dalta System, 54-40 ngunit hindi nasiyahan ni coach Junel Baculi sa ipinakita ng kanyang mga bata.

Bagamat sumulong sa ikatlong sunod na panalo ang PCU Dolphins, naniniwala si Baculi na may ibubuga pa ang kanyang koponan.

Maaga pa lamang ay nagparamdam na ng lakas ang Dolphins nang kanilang limitahan sa anim na puntos ang Altas sa unang canto kasabay ng kanilang paghakot ng 17 puntos.

Ngunit hindi nasustini-han ng Dolphins ang kanilang puwersa na halos hindi lumayo sa 11-puntos na kalamangan maliban final score kung saan ibinandera nilang ang pinakamalaking bentahe na 14-puntos, mula sa mailap na four-point play ni Ramon Retaga mula sa foul ni Rommel Balboa na nagselyo ng final score.

Sa unang laro, nakabawi naman ang PCU Baby Dolphins sa kani-lang pagkatalo sa kanilang debut game nang kanilang ilampaso sa 105-54 iskor ang UPHDS Altalletes na lumasap ng kanilang ikatlong sunod na talo sa gayon ding dami ng laro. (Ulat ni CVOchoa)

ALTALLETES

ALTAS

BABY DOLPHINS

BAGAMAT

JUNEL BACULI

KANILANG

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RAMON RETAGA

ROMMEL BALBOA

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP DALTA SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with