Miller, Best Player: Honeycutt-Best Import
July 7, 2005 | 12:00am
Taong 2002, nasa Red Bull pa si Willie Miller at nasa Talk N Text na si Jerald Honeycutt.
Nakopo ni Honeycutt ang Best Import Award para sa Commissioners Cup. Hindi nanalo si Willie Miller ng Best Player of the Conference ngunit siya ang tinanghal na Most Valuable Player ng taong yon at nagtagumpay ang Red Bull sa best-of-seven championships series, 4-3.
Ngayon, nagkasama na sina Miller at Honeycutt sa iisang koponan at sabay silang tumanggap ng Best Player of the Conference award at sa ikalawang pagkakataon ay Best Import trophy ayon sa pagkakasunod sa isang maigsing awarding ceremonies kagabi sa halftime ng Game-Three ng Phone Pals-Beermen titular series sa Araneta Coliseum.
Ang malaking katanungan ngayon ay maihahatid kaya nina Miller ang Phone Pals sa kampeonato kahit na natalo na sila sa unang dalawang laro sa best-of-seven championship series.
At matapos tumanggap ng Best Player of the Conference award, ma-panalunan naman kaya ni Miller ang prestihiyosong Most Valuable Player award?
Awtomatikong kandidato si Miller para sa MVP title at mahigpit nitong kalaban si Eric Menk ng Ginebra na nanalo ng dalawang Best Player of the Conference title.
Dinurog ni Miller sa botohan ang tatlong kalaban mula sa San Miguel na sina Nic Belasco, Dondon Hontiveros at Olsen Racela at Jeffrey Cariaso ng Coca-Cola matapos itong makaipon ng kabuuang 3,310 puntos.
Umani ng 509 points si Miller sa pamumuno sa statistics, 1,873 pts. Sa media votes kung saan nakuha nito ang 40 mula sa 41 na bumoto kabilang ang block vote ng PBA Press Corp, 528 pts. Mula sa 22-players votes at 400 pts. mula sa dalawang boto ng four-man com-mittee na kinabibilangan ng kinatawan ng PBA Press Photographers, Philippine Sportswriters Association, Sports Com-municators Organization at ang TV coveror na ABC-5.
Humakot naman si Honeycutt ng 2,606 total points (1,826 sa media votes, 580 sa players votes at 200 mula sa 4-man committee) upang ilampaso sina Ajani Williams ng Shell (465) at Earl Barron ng Red Bull (449). (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended