^

PSN Palaro

BAP hindi na makakasali sa basketball at malamang sa 23rd SEAG

-
Matapos pagbawalang sumali ang bansa sa anumang international competitions, malaki ang posibilidad na hindi rin makakalaro ang bansa sa Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa November 27 hanggang December 5.

Ayaw sanang mangyari ito ni Philippine Olympic Committee president Jose ‘Peping’ Cojuangco kaya naman hihilingin ng POC na madaliin ng International Basketball Federation (FIBA) ang isasagawang imbestigasyon ukol sa isyu ng pagsuspindi ng Bas-ketball Association of the Philippines (BAP).

"There is a possibility of that we may not join the basketball competitions of the Southeast Asian Games," ani Cojuangco na panauhin sa lingguhang PSA Forum na ginanap sa Pantalan Restaurant sa may Luneta kahapon kasama ang POC Chairman na si Robert Aventejado. "We will prepare a letter urging FIBA-World to conduct its investigation as soon as possible so we can move on."

Pinagbawalang sumali sa mga international competitions ang bansa ng FIBA matapos nitong suspindihin ang BAP.

Dahil dito, hindi nakalahok ang RP Team ni Boysie Zamar sa South East Asian Basketball Association Championships na nagsimula na sa Malaysia. Ang SEABA ay ang qualifying tournament para sa Asian Basketball Confederation Championships na qualifying tournament naman sa World Championships sa susunod na taon.

Ayon kay Cojuangco, mas maigi nang nalaman ng FIBA ang mga pangyayari.

"There’s a happy relationship between FIBA-Asia and BAP. We’re happy that it is now elevated in the FIBA-World," ani Cojuangco na tinutukoy ang magan-dang relasyon ng BAP kay FIBA-Asia secretary-general Yeoh Cho Hok. "The POC is now given a chance to explain the matter in the FIBA-World."

ASIAN BASKETBALL CONFEDERATION CHAMPIONSHIPS

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BOYSIE ZAMAR

COJUANGCO

FIBA

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

PANTALAN RESTAURANT

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with