Konting salu-salo at siyempre huntahan. Kasama ni James Yap ang kanyang actress-TV host girlfriend na si Kris Aquino.
Galing sa Manaoag, Pangasinan ang dalawa kaya medyo na-late silang dumating sa Pantalan Restuarant.
Dumating din ang team manager na si Alvin Patrimonio, siyempre para suportahan ang kanyang player.
Tulad ng mga naunang nagsulat ng pagkikitang ito nina Alvin at Kris (dating lovers) eh yun na nga ang obserbasyon ng marami.
Anyway, naaliw ang mga writers at editors that night kay Kris. Walang tigil sa kakukuwento at hindi na yata napagod sa pagsasalita. Although 10 pm pa lang umuwi na ako, sabi ng aking writer na si Carmela na nag-stay sila until midnight. At ibig sabihin noon hanggang 12 ng hatinggabi nakipagkuwentuhan si Kris sa mga writers.
Hindi man ako nagkaroon ng mahabang time with Kris, eh naaliw pa rin ako sa kanya. Lalo na ng mag-picture taking kami kung saan tinawag ko ang photographer namin na si Joey. As in naloka ako dahil biglang tanong ni Kris na "Whos Joey?" Biglang naaalala ko ang good friend ko rin na si Joey Marquez na naka-relasyon din ni Kris. Sabi ko ay sorry, Joey kasi ang pangalan ng fotog namin. Si Joey Mendoza. Sabay tawa ni Kris at sinabing Joey M pa rin.
Oo nga naman at sabay-sabay na kaming nagtawanan.
Okay naman pala si Kris. Sabi nga ni Salve Asis, ang PM entertain-ment editor namin na pag naging kaibigan mo siya, kaibigan talaga.
Wala siyang pretentions at talagang magsasalita siya ng gusto niyang sabihin. Very frank talaga.
Kasi nang tanungin siya kung kanino siya between San Miguel Beer at Talk N Text N Text eh, walang ka-gatol-gatol niyang sinabing hindi pa siya fully paid sa San Miguel, na siya ang endorser and at the same time friend niya naman si Manny Pangilinan at isa rin siya sa endorser ng Smart.
So bahala na lang kayo kung kanino siya. Isa lang ang sure, Purefoods ang favorite team niya ngayon.
Ito ang award na pinakamimithi ng lahat ng rookie dahil minsan mo lang makukuha ang award na ito.
Kung sino ang nararapat sa award na ito, well, abangan na lang natin.
Oo ngat basketball ang number one sport dito sa Pinas, pero sa tagal ng panahon na halos wala namang karangalang naibibigay ito, siguro nga dapat na munang magpahinga tayo sa international meet.
Gayunpaman, sayang talaga.
Pero ganyan talaga ang buhay.