^

PSN Palaro

Tigress pinana ng Lady Archers sa Game 1

-
Sumandal ang La Salle sa mahusay na depensa nang igupo nila ang defending champion University of Santo Tomas, 25-21, 18-25, 25-19, 27-25, kahapon at makuha ang bentahe sa kanilang best-of-three series para sa 2005 Shakey’s V-League first conference crown sa Makati Coliseum.

Nagtulong sina Mau-reen Penetrante at Concepcion Legaspi sa ma-gandang trabaho sa harap at magsosyo sa 14 blocks habang sinuportahan ito nina libero She-maine Penano at ng magandang si Manilla Santos ng 19 na excellent digs, na naging sapat para trangkuhan ang Lady Archers sa kasiya-siyang panalo sa harap ng maraming manonood.

"Our plan is to really play defense and we did just that in this important win," anang soft-spoken La Salle coach Ramil de Jesus, na siyang mentor ng national women’s team na sasabak sa aksiyon sa 23rd Southeast Asian Games na nakatakda sa Nov. 27-Dec. 5 sa Baco-lod City.

Ang La Salle, na winalis ang UST sa 2004 second conference, ay magtatangka sa korona sa Huwebes sa Game 2 na babalik sa Rizal Me-morial Coliseum. At kung kailangan ng decider, ito ay nakatakda sa Sabado sa Rizal Coliseum din.

Nauna rito, nalusutan ng San Sebastian ang mahigpit na unang set na hamon ng Ateneo tungo sa pagposte ng 27-25, 25-19, 25-21at makalapit din sa pagkuha ng ikatlong karangalan sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza.

ANG LA SALLE

CONCEPCION LEGASPI

LA SALLE

LADY ARCHERS

MAKATI COLISEUM

MANILLA SANTOS

RIZAL COLISEUM

RIZAL ME

SAN SEBASTIAN

SHAKEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with