^

PSN Palaro

World Pool Championship: Unang sargo, Pagulayan, Reyes bigo

-
Kaohsiung, Taiwan-- Mabigat na palakol ang sumibak sa Philippine contingent ng kapwa lumasap ng isang come-from-behind na kabiguan sina defending champion Alex Pagulayan at Efren ‘Bata’ Reyes sa opening day ng Kaohsiung World Pool Championship.

Iginupo ni Rico Diks ng Netherlands si Pagulayan 5-4 sa Group 1 habang yumuko naman si Reyes kay Kang Chin Ching ng Chinese-Taipei, 3-5 sa Group 4 sa Kaohsiung Business Exhibition Center.

Hawak ng 27 anyos na si Pagulayan ang 4-1 bentahe ngunit hinayaang makabangon si Diks tungo sa tagumpay.

Ang Pinoy champion, na kumatawan sa Canada noong nakaraang taon, ay may maganda na sanang pagkakataon na isara ang laban sa ikaanim na rack nang hindi pumasok ang two-ball sa corner pocket na nagbigay daan sa Dutch na malinis ang naturang rack.

Isa pang Pinoy ang lumasap ng unang araw na kabiguan nang gapiin ng Taiwanese at 2005 San Miguel Asian 9-Ball Tour overall champion na si Yang Ching Shun si Rodolfo Luat, 5-1 sa Group 2.

Kasalukuyan namang nakikipaglaban pa sina Francisco ‘Django’ Bustamante, Ronnie Alcano, Gandy Valle, Marlon Manalo, Dennis Orcullo, Warren Kiamco at Antonio Lining habang sinusulat ang balitang ito.

Bagamat talo, may tsansa pa sina Pagulayan at Reyes na umabante sa round of 64, Kailangan lamang nilang makasama sa top four ng kani-kanilang gru-po para umusad sa knockout phase na magsisimula sa Miyerkules sa nine-day event na inor-ganisa ng Match Room at ipinalalabas sa ESPN.

ALEX PAGULAYAN

ANG PINOY

ANTONIO LINING

BALL TOUR

DENNIS ORCULLO

GANDY VALLE

KANG CHIN CHING

KAOHSIUNG BUSINESS EXHIBITION CENTER

PAGULAYAN

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with