Dating player ng Mapua ang father ni Kelvin at nung isang taon, I had the pleasure of meeting him, pati na rin ang mother niya. May isa pa siyang kapatid na magaling ding mag-basketball although parang mas pinili pa yata nitong mag-aral muna sa US. Mababait ang mga magulang ni Kelvin at thoughtful pa. Kahit na nasa US na sila eh nagi-email pa sila sa akin para mangumusta lang.
Ngayong year na ito ay rookie year ni Kelvin para sa MIT at sa NCAA.
Excited siyang maglaro at excited din siyang makita ng mga Mapuans na maglaro dahil mukhang may ibubuga ang bata. And true enough. Nung first game pa lang ng MIT sa NCAA 2005 season ay kinakitaan na ng promise sa paglalaro itong si Kelvin. Sa second game nila against JRC, siya na ang napiling best player of the game.
May tibay ng dibdib, may mautak na diskarte sa laro, at mahusay makisama. Yan ang traits ni Kelvin sa paglalaro na maaaring maghatid sa kanya to NCAA stardom. Bukod dyan, kuha niya rin ang kumpiyansa ni Coach Horacio Lim.
Watch out for this guy in the NCAA!
Yan ay kahit wala na si Ronjay Enrile sa line-up nila.
Mukhang determinado si Coach Louie Alas na maibalik sa kampo nila ang korona ng senior division.
Mukhang ang sophomore na si JP Alcaraz naman ang lumalabas na pambato nila ngayong wala si Ronjay Enrile.
Itong si Alcaraz ay natatandaan kong top player ng Las Piñas College several years ago.
Doon yata siya nakuha ni Louie Alas.
With Alcaraz over at Letran, mukhang di na yata mami-miss ng Letran Knights si Enrile.